bakit kailangan nating magkakilala?

Bakit kailangan nating mag kakilala

Sa panahong hindi pa dapat tayo makakilala ng iba,

Kasi kinikilala pa natin yung nawawala nating sarili?

At sabihin man nila na “hindi naman nawawala ang saril”

E minsan parang may kulang

At wala kang ibang makitang solusyon

Kundi ang lumabas at hanapin to

 

Minsan may kasamang iba

Pero madalas mas okay pa na mag isa

Kasi mas nakakapag isip tayo

Mas nararamdaman natin yung katahimikan,

Yung pag iisa na minsan nating kinatakutan

Pero sa mga  panahong ganito,

Okay lang kasi minsan

Masayang mag isa lalo na kung

Nasasaktan ka lang pag may kasama kang iba

 

Na totoo pala yung kanta ni Yeng na may linyang

“Ayoko na munang makasama ka”

Yung satin nga lang e

Ayoko na munang may kasamang iba

“Na ako nalang muna”

Para makabawi man lang sa lahat ng nawala

Na dala ng pagkawala ng nakaraang sinta

 

Diba ang sarap naman talaga mag isa

Hindi naman mawawala o mauubos ang

Isda sa karagatan kagaya ng sabi nila

Kaya bakit tayo mag mamadali diba?

Pero parang may kakaiba e

Hindi ko naman to gusto

At alam kong hindi mo rin to gusto

Kasi sa tuwing bumabanat ako

Ang sinasabi mo lagi sa akin “wag ako”

 

Umaamin ako na minsan nang bobola lang ako

Pero bakit sa tuwing kinikilig ka sa pambobolang yon

Parang mas kinikilig ako

Na parang totoong totoo

Na parang ako pa ata yung binobola mo

Sa tawa mo

Sa mahahabang kwento mo

Sa paghahanap mo saakin pag wala ako

 

Alam ko na sa tingin mo nagpapatawa lang ulit ako

Pero yung pakiramdam na

Yung parang minsang tayo

Kaso walang tayo

Kasi bawal

Kasi wag muna ngayon

Kasi nga diba dapat,

“Dapat di kita nakilala ngayon”

O di mo ko nakilala ngayon

Kasi nasisira yung plano e

Yung plano na

Wala muna sanang magulo

Kasi magulong magulo na yung mundo

Tapos mas mang gugulo pa yung salitang “tayo”

 

Kaya sige magtaguan na lang muna tayo ng nararamdaman

O ako nalang muna yung magtatago

Tutal parang seryoso ka naman talaga sa sinabi mo na

Wag ikaw

Kaya mag aantay nalang ako

Tutal alam ko naman talaga sa sarili ko na mag aantay ako

Hanggang sa sabihin mong

 

“Ako naman”

Eto na ko buong buo

Kumpleto

Handa na ulit mag mahal

At handa na ulit magpawasak basta handa ka na rin ayusin ako

Kung sakali man na hilingin ko sayo

 

At wala man kasiguraduhan na ako yung hinahanap mo

Susugal pa rin ako

At itataya ko ang lahat lahat kasi,

Kasi ikaw yung sugal kung saan handang handa akong paulit ulit na matalo

 

Ikaw yung sugal

At ako,

Kahit isang beses lang sana manalo.

Advertisements

nay

Nay, naalala mo pa ba?

Kung paano tayo nag lalaro sa ilalim ng kumot

Habang nag kikilitian noong ako ay bata pa?

 

Noong ang mga pangarap ko pa lang,

Ay ang makita ka sa pag gising sa umaga.

 

Mayakap sa pag dating ng gabi,

O di kaya naman ay ang sumiksik sa iyong kili-kili

Para makatulog sa tanghali.

 

Naalala mo ba yung mga kwento mo,

Na paulit-ulit kong pinapakwento?

Yung miryenda na walang sablay mong hinahanda

Pag dating ng alas kwatro.

 

Naalala mo ba nay?

 

Kasi ako ngayon ko lang ulit sila naalala.

Ngayon na naisip kong nagmadali pala ako na tumadanda,

Na nag madali pala ako sa buhay na dapat hinay-hinay lang

 

Kaya patawad nay.

Kung dahan-dahang nabwasan yung kwento ko sayo,

Sa tuwing tinatanong mo kung anong nangyari sa maghapon ko.

 

Kung kahit kailan hindi man lang kita natanong,

Kung anong nangyari buong linggo mo

Sa tuwing uuwi akon mula sa isang linggong pagtatrabaho.

Kung akala ko namimiss mo lang ako tuwing akinse o katapusan.

 

Nay nagkamali ako.

Kasi araw araw pala.

Pero sa ibang paraan na hindi ginagamitan ng salitang “anak miss kita”

 

Kasi itinatago mo sila sa mga pag-aalala na,

“anak wag kang masyado mag papagabi”

“anong gusto mong ulam pag uwi mo, ipagluluto kita”

“umuwi ka naman kahit isang beses lang sa isang buwan kasi hinahanap ka na ng mga kapatid mo”

 

Pero nay alam mo

Kung tatanungin ako ng Diyos kung anong pinaka gusto kong araw sa buhay ko,

Sasabihin ko sa kanya na,

Gusto ko yung pinaka unang alaala na meron ako.

Na unang beses ko palang nakikita yung lahat pero parang alam ko na agad,

Na kung nasaan man ako eto yung tahanan ko.

 

Naglakad ako palabas noon ng kwarto

Basa ang likod mula sa pawis ng pag tulog

Lumabas sa bahay at nakita kita na naglalaba

 

Tumigil ka sandali at ngumiti,

Tumayo lumapit saakin,

Kinarga at sinabing

“anak gising ka na pala”

 

At kahit parang unang beses palang kitang nakita,

Niyakap kita at muling pinikit ang aking mga mata.

 

boso

Naabutan nanaman kita

Habang nakasilip sa maliit na butas ng aking pag asa

Pag asa na makita ang hubad na ligaya

Habang nangangarap na balang araw mahahawakan din kita

 

Ala singko ng umaga

Sauladong saulado na kita

Ito yung oras ng dating mo sa bahay

Mula sa trabaho at maghahanda na para mag pahinga

Magkakape ka muna sa salas sabay pasok sa banyo para buksan ang gripo

Nakauniporme pero nakayapak

Habang ang buhok ay naka pusod

Sa kaliwang pisngi

Isang butil ng pawis na nag aantay mahulog

At sa kanan ang yong kamay na hinahawi ang natitirang nakalaylay mong buhok

 

Naninigas akong naka kapit sa ibabaw ng kisame

Habang ang mga mata ay nakasilip sa butas na ginawa ko noong isang buwan

Noong naramdaman kong ang banyo mo at kwarto ko ay halos mag kadikit lang

Kaya gumawa ako ng paraan para umakyat mula sa kisame ng kwarto

Papunta sa parte na nirerentahan mo

At tama nga ang hinala ko

Na nasa baba nito yung langit na gustong gusto ko

Kaya mula noon magkanda leche leche man ang hapunan

Busog na ko sa ideya na patuloy makabayad ng renta

Para di mapalayo sa anghel na kapit kwarto ko

 

 

Lumipas ang ilang segundo handa na ang entablado

At dahan dahan mong hinubad ang kurtina nito

Kasabay nang dahan dahang pag tigas ng aking armas

Na matagal ng nanggigigil na maiputok sayo

 

Nanglisik ang aking mga mata

Kitang kita na lalo kita

Mula sa maliit na butas

Mistulang sumasayaw ka

Isang gutom na leon sa ibabaw ng maamong tupa

Sinta pangako tawagin mo lang ang pangalan ko

Pupunta ako diyan at kakainin kita

 

Lalasapin kita

Hahalikan mula noo papunta sa tenga

Didilaan ang likod nito pababa

Papunta sa leeg na marahan kong sasakmalin

 

Sasabay ang malalim mong pag hinga

Sa bawat pag hatak ng kanang kamay ko sayong buhok

Habang patuloy ang pag halik ko sa iyong mga labi

At ang kaliwa ay nakapulupot sa yong likod

Paangat nang paangat kasabay ng pagdulas ng aking kamay

Sa iyong dibdib pababa sa pagitan ng yong mga hita

At pag nagtagpo na ito at ang aking mga daliri

Ay dahan dahan na rin akong bababa

Para labi ko naman ang humalili

 

Hahalikan at sisipsipin ang talulot ng bulaklak mo

Hanggang sa lumabas ang katas nito

Pagkatapos ay dahan dahan kong ipapasok

Ang pinaka matapang na parte ng katawan ko

Para mag labas masok sa silid na mas mainit pa sa tag init

Mas gusto kung mas masikip

Basta madulas para hindi sumasabit

 

Tangina nang gigigil na talaga ako!

kaunti nalang wawasakin ko na tong kisame na nag hihiwalay sa buhay malayang binata

at sa buhay sa loob ng malamig na selda

Pero wag kang mag alala

Hindi ako ganoon ka desperadong madale ka

Kaya kagaya ng ginagawa nila

Bukas makalawa

Mag papakilala akot liligawan ka

At pag napasagot na kita at nakuha ko na

At paulit ulit na nakuha

Iiwanan kita

kagaya ng ginawa ko sa iba

noong unang beses kitang makita

Noong unang beses kitang makita
Di ko inasahan na sa simbahan pa
Habang nag darasal ka ng aba ginoong maria
Tapos parang ako yung napupuno ng grasya
Kasi nakita kita

Linggo linggo akong sumimba nang maaga mula noon
Habang nananalangin na sana hindi muna dumating si father
Para hindi muna mag simula yung misa
O di kaya sana hindi maubos yung bilang ng beads nung rosaryo
Para mas matagal kang mag sasalita
Kasi sa totoo lang, sa boses mo palang parang totoo na may langit nga

Pero maya maya pa dumarating din agad yung pari
Nag sisimula yung misa at nagsisimula na ring mabaling yung atensyon ko sa kanya
Dahil alam ko naman na parang malabo kasi magmamadre ka
At gusto man kita, alam kong mas gusto mo siya
Mamahalin pa lang kita, mahal na mahal mo na siya
Ibibigay ko palang sayo yung maibibigay ko, naibigay na niya agad lahat sayo
Ipapabasa ko palang sayo yung mga tulang maisusulat ko
Saulado mo na yung mga ipinasulat niya para sayo
At saka isa pa, sino ba naman ako
Isang hamak na tao lang na walang pakpak
Kaya nahulog ako sayo

Pagkatapos nung huling misa kung saan huling beses din kitang nakita
Naisip kong dehado na masilayan pa ulit kita
Kasi sabi ni father papunta na daw kayong marikina
Kaya nag lakas loob akong lumapit sayo para kausapin ka
“May alaala pa ba tayo ng buhay natin sa mundo pag napunta tayo sa langit?
Ngumiti ka at sinabing “wala na”
Sabay talikod at naglakad palayo habang kumakaway saakin ang yong anino
Sa pag alis mo naiwan sa akin mga salitang matagal tagal na mag lalaro sa aking isip
Na siguro hindi ganoon ka ganda ang langit
Kung di manlang kita maaalala kung sakaling doon makita ulit kita

lalaki ka

Lalaki ka

Di ka dapat lampa

Dapat macho ka

Dapat yung luha mo hindi kilala ng iyong mga mata

Di ka dapat nagmamahal ng iisa

Dapat mag kakasabay sila

Para mas masaya

Para mas marami kang puking kakainin sa loob ng isang linggo

Iba iba ng lasa

Mamimili ka

May adobo

Mechado

Kare-kare

Afritada

Kaldereta

At lahat ng putaheng meron ang karinderya

 

Dapat malakas ka rin mag mura

Dapat yung hita mo bukang buka

Pag nakasakay ka sa jeep kahit ang sikip sikip na

Dapat lahat ng susong makikita mo

Gusto mong susuhin kasi nga diba hayop ka

Kasi sa lahat ng pader na may nakasulat na

“bawal umihi dito aso ka ba?”

E inihian mo diba?

 

Diba?

 

Tapos dapat manyakis ka

Dapat lahat ng hitang makikita mo

Tititigan mo

Dapat lahat ng puwit na malalapitan mo

Pasimpleng pag kapit ang gagawin mo

Yung tipong kahit walang pulutan e pupulutanin mo yung katabi mo

Bebetsinin mo

Dadayain mo

Tapos dadalin mo sa kwarto at dadalihin mo

 

Sa inuman dapat isa lang yung topic niyo

“Kung gaano kasarap yung syota ni ganito”

Araw araw magpayabangan sa dami ng nagawang posisyon

At gabi gabing pag jakulan ang kaopisina mong may masikip na pantalon

 

Wag mo rin kalimutan ang banal na kautusan

Na kahit kailan wag mag sabi ng totoo

Kung nakauwi ka na ba?

Kung tapos ka na bang mag dota?

Kung nag iinom ka ba?

Kung nag shashabu ka ba?

Kasi masamang mag sabi ng totoo

Kasi sinungaling tayo

Kasi lahat tayo manloloko

Kasi matagal na nila tayong kinulong sa kahon

Na may nakalagay na “PARE-PAREHO ANG LAHAT NG LALAKI SA MUNDO”

at sino nga ba yung mga nag sabi nito?

Sino pa ba edi lahat ng babae sa mundo!

Oo pati yung nanay mo

Pati yung bunso mong kapatid pag nag dalaga sasabihini niya rin to

Pag nag kaanak ka ng babae sasabihin niya rin to

At sasabihin mo rin to sakanya

Dahil alam mong walang pag babago

Dahil pare-pareho parin ang lalaki sa mundo

Kasi alam mo sa sarili mo na yung pag babago hindi manlang nag simula sayo

Hanggang pagtanda mo

Yung kakarampot na utak parin ng titi mo yung ginagamit mo

Na nag sasabing “lalaki ka”

At nasayo ang awtoridad para gawin ang lahat ng kababuyan sa uniberso

Kasi hari ka

Na walang kikilalaning reyna kasi puro puta lang sila

 

Pero putangina sapat na ba?

Na hanggang dito nalang tayo?

Na kahit ilang libong mata man yung nakatingin

Iisa lang yung nakikita nila sa atin?

 

Ayaw mo ba ng pag babago?

Na dumating yung araw na wala nang babaeng iiyak sa reklamo

Na ginamit niya lang ako?

Na dumating yung panahon na mag kakaroon din ng buwan ng kalalakihan

Kahit sobrang tagal ng may buwan ng kababaihan

Dahil sa wakas pantay pantay na tayo?

 

Ayaw mo ba?

Ako gusto ko

Pero di ko kaya to mag solo

Kaya ano pang hinihintay mo

Gamitin mo na yung utak na dapat ginagamit mo

Susunugin na natin yung kahon para mas makita mo

Na hindi lang berde ang kulay ng mundo.

 

dito lang ako sa tabi mo

 

karlen.jpg

 

Dito lang ako sa tabi mo

Habang ang mga mata mo’y nakapako

Sa sentro ng iyong mundo

 

Pinagmamasdan ka

Habang pinagmamasdan mo siya

At kung paanong wala ka nang nakikitang iba

 

Dito lang ako sa tabi mo

Habang ang mga mata mo’y nakapako

Sa sentro ng iyong mundo

 

Minamahal ka

Habang minamahal mo siya

At kung paanong baka wala ka nang mamahalin pang iba

 

Dito lang ako sa tabi mo

Sa lugar kung saan sapat na sa akin ang makita kang maligaya

Kahit na wala naman sayo

Kung mawala man ako sa tabi mo

Para sa aking mahal

Para sa una kong mahal, Segunda Katigbak
Naalala mo pa ba kung papaano ako
Nag nanakaw ng tingin sayo sinta?

Kung papaano ako parang pusang naiiihi
Na pabalik balik mula sala papunta sa kusina
Sa tuwing naiisip kita
Madalas pa nga akong pinagtatawanan ng mga kapatid ko noon
Pero wala akong pakialam dahil sa edad na disisyete
Sa tingin ko mahal na kita

Alam mo pilitin ko mang mas ibigin ka pa
Di ko rin nagawa pagkat ang puso moy hawak na ng iba

Mahal kong Orang
Marahil nasa iyo pa ang aking liham
Na mababasa sa pagkagat ng dilim
Gamit ang liwanag ng lampara
Maniwala ka sana
Na ang lahat ng letra at salita na nakasaad ay totoo
Na may puwang ka sa puso kong pinatigas ng pagkakalayo

O aking Leonor Rivera
Sa labing isang taon nating pagmamahalan
At pagpapalitan ng sumpaan na hinadlangan ng iyong butihing ina
Nais kong malaman mong walang isang gabi sa Europa ang lumipas
Na hindi ko ninais uwian ang lambot ng iyong mga labi
At kung papaano kita iginagapos sa yakap ng aking pagibig

Malungkot man na akoy iyong nakalimutan
Napiling sa iba ay sumama at lumisan
Gusto kong malaman mong wala akong pinagsisisihan
Sapagkat ang makilala ka o “Maria Clara” sa akin ay isang karangalan

Iniirog kong Consuelo Ortiga Y Reyes
Patawad kung napangunahan ako ng takot
Na muling umibig
Marahil hindi pa ako handang muling ialay
Ang aking pusong pagod na sa paulit ulit na latay
Ng lungkot at pighati ng posibilidad na pagkawalay

Patawad at salamat, sa pag hihintay hangang sa mag umaga
Noong unang beses tayong nagkasama
Hindi ko malilimot ang misteryo ng iyong pagkatao
At kung papaanong akoy muntik ng mahulog sa kadahilanang ito

O giliw ko, O Sei-San
Sa aking pag lisan sa bansang minahal at natutunan
Iuuwi ko ang isang bagay na di matutuklasan ng sino man
Ang magmahal ng totoo sa kabila ng magkaibang kinalakihan
At ang umuwi ng sa iyo ang “akoy” iiwanan

Aking sinta, Gertrude Beckett
Patawad mula sa mga sulat na hindi mo natangap
Sa mga pangakong hindi ko natupad
At sa pagibig na iyong inasahan na hindi ko na rin maiaalay

O aking Suzanne Jacoby
Ikaw ang bumuhay muli ng apoy sa dibdib kong nilamon
Ng kadiliman at sakit ng kahapon
Sa iyong yakap at halik
sa bawat tagong lugar na ating tinangkilik
mahal ko akoy iyong ibinalik
muli sa mundo kung saan ang unang titik
sa baybayin ay ang salitang pag ibig

Minamahal kong Nellie Boustead
Isa ka sa patunay kung gaano ko kayang ibuwis ang aking buhay
At kung papaano na sa larangan ng pagibig ay walang magkaibigan
Magkadugo man o mag kababayan

Aking pinakamamahal, Josephine Bracken
Saksi ang diyos sa kung papaano tayo ay naging isa
Hindi man hinayaan ng simbahan
Na tayo ay mag sumpaan
Nais kong malaman mong ikaw ang aking
Pinakamamahal, aking asawa
Masakit man na tayoy maagang naiwan ng ating
Munting Francisco
Alam ng buong mundo kung papaanong akoy nag luksa
Mula sa librong inialay ko sa iyo
Ikaw ang pinakamamahal ko at iuukit kita sa aking puso
Ang iyong ganda sa umaga at gabi ay aking ipipinta
At paulit ulit na ipipinta dahil kulang ang lahat ng kulay sa mundo
Para umabot man lang sa halina ng pagmamahal mo

O aking Pilipinas tadhana ang nagdala sa akin sa iyo
Sa pag ikot sa mundo nais kong malaman mo
Na wala akong ibang lupang hahalikan kung hindi ang sa iyo
Alam kong hindi sapat, ilang libong libro man ang aking isulat
Para magising ang mga anak mo at maibigay ang kalayaan mo
Kayat hayaan mong ibigay ko sa iyo ang pinakahuling bagay na maibibgay ko

Ikaw ang una at huli
Ang unang nakakita ng pag patak ng aking mga luha
At ang huling makakakita sa pinaka huling patak ng dugo ko sa lupa

Mahal na mahal kita
At wala na akong mamahalin pang iba
Adios, patria adorada

image