Nag lalaro sa isip ko ang tanong na
Paano kung mula noon hanggang ngayon
Naka base lang tayo sa siyensya?
Na hindi pumasok sa isip natin ang salitang
Diyos at wala ang relihiyon sa ating bokabularyo?
Siguro kung ganoon man
wala sa atin ang maniniwala sa multo
O sa mga engkanto
O sa mga anghel at demonyo
Sa aswang at mga nuno sa punso
Sa milagro na madalas nating ipinag papasalamat na nangyari
Sa tuwing may magandang naganap na di natin maipaliwanag
Siguro wala din ang salitang atheist at anti-Christ
Kaya malamang wala rin si Satan na gumawa raw ng “metal”
Wala rin sigurong namatay sa ngalan ng relihiyon
Na maraming beses na rin nangyari
At masyadong mahaba kung isasama ko dito
Pero kung susumahin mo
Sa likod ng mga giyera bitbit ang salitang relihiyon
Ay nakaupo ang nag iisang taong may isang ambisyon
Ang makuha ang mundo
At kilalanin ang kinikilala niyang Diyos
Eto pa
Ano nalang kaya yung pupuntahan at makikita ng tao sa mga bakasyon nila kung walang relihiyon?
Kasi ibig sabihin non, wala na rin ang mga nag lalakihan at nag gagandahang religious sites
Kagaya ng mga dambuhalang monumento sa Egypt
Sa ibabaw ng bundok sa rio
Mga ginugubat na templo sa Cambodia
Ang batu cave sa Malaysia
Basilica of san vitale sa Italy
Spanish Synagogue ng Czech Republic
Wala narin ang mga kapistahan ng ibat ibang santo
At kung mawawala yong mga yon
Ano nalang yung mga monumento natin?
Mga sumikat na artista?
Bayani?
Sila Einstein, newton at edison?
Aalayan ba natin sila ng bulaklak?
Saka Ibig sabihin may pasok tayo ng pasko at holy week?
At yung simula at tapos ng Ramadan?
Grabe naman
Siguro bawal na din tayo humiling
O walang kwentang humiling
O hindi na tayo hihiling sa kung ano man na sana sagutin ka ni ano
O sana humaba pa yung buhay ni ano
O sana kung nasaan man si ano masaya na siya
Kasi lahat hahanapan natin ng siyentipikong dahilan
Kaya pag sinabing hindi ka na mag kaka-anak eh hindi ka na talaga mag kaka-anak
O kung tinaningan ka na mamamatay ka na talaga
Maapektuhan din kaya yung creativity ng isang pintor non?
Kasi di na tayo mag iimagine ng ibat ibang itsura ng halimaw kasi wala namang ganoon
Puro alien kaya ipipinta natin non? O puro tao lang talaga
hamalaman at prutas? Galaxy kaya o mga kapitbahay nating planeta?
Parang ang konti diba?
Tapos di rin maipipinta yung the last supper ni Leonardo da Vinci
O yung The creation of adam ni Michelangelo
E pano naman kaya sa musika
Nako tiyak wala yung mga sumikat na kanta nila John Lennon na IMAGINE
May slayer pa kaya na banda?
Yung JUDAS ni Lady Gaga
LEPPER MESIAH ng Metalica
AMAZING GRACE ni John newton
HOW GREAT THOU ART ni Carl Gustav Boberg
Ibig sabihin sila at ang maraming pang ibang may paksa o bahid ng relihiyon o paniniwala sa diyos eh wala na
Parang ang hirap yata?
Parang ang konti nalang ng matitira
Tapos isipin mo
Wala din yung mga libro ng ibat ibang relihiyon na napakayaman sa ibat ibang pangyayari
At kaalaman para mas maunawaan o maintindihan mo yung mundo kung maniniwala ka
Hay
Isang mahabang hay
Kasabay ng pag iisip sa palaisipan
Na paano nalang ang mundo kung puro siyensya tayo
Pero isipin mo
Ngayon sa ospital
Sa lugar kung saan siyensya dapat ang namumuno
Makikita mo ang munting liwanag ng kandila at mga taong nakaupo
Umaasa na kung di man mapagaling ng gamot
Sana mapagaling ng paniniwala at mga katagang
“Panginoon Ikaw na po sana ang bahala sa kanya.”