money

We created money

But why does it feel like it created us

That with a certain amount it turns us into monsters

Or slaves of prostitution

That a life can take another life with a point of a finger

And in a blink of an eye

 

We own money

But why does it feel like it owns us

Spending our lives chasing buses that takes us

To cities that cater everything

While faking

That happiness is found on things

Material

But ephemeral is what it will be

Because it is greed

Not happiness

It is lust not love

And it is gluttony not contentment

 

You see money does not make the world go round

It is not the root of all evil

It is men

Hungry men

Whose appetite go stronger every time his pocket deepens

And those who have less are not the least fortunate

For they experience happiness through contentment by having something to eat for a day

While the rich have gone to buffets filling their mouths but still feeling empty until the end their days

 

bakit kailangan nating magkakilala?

Bakit kailangan nating mag kakilala

Sa panahong hindi pa dapat tayo makakilala ng iba,

Kasi kinikilala pa natin yung nawawala nating sarili?

At sabihin man nila na “hindi naman nawawala ang saril”

E minsan parang may kulang

At wala kang ibang makitang solusyon

Kundi ang lumabas at hanapin to

 

Minsan may kasamang iba

Pero madalas mas okay pa na mag isa

Kasi mas nakakapag isip tayo

Mas nararamdaman natin yung katahimikan,

Yung pag iisa na minsan nating kinatakutan

Pero sa mga  panahong ganito,

Okay lang kasi minsan

Masayang mag isa lalo na kung

Nasasaktan ka lang pag may kasama kang iba

 

Na totoo pala yung kanta ni Yeng na may linyang

“Ayoko na munang makasama ka”

Yung satin nga lang e

Ayoko na munang may kasamang iba

“Na ako nalang muna”

Para makabawi man lang sa lahat ng nawala

Na dala ng pagkawala ng nakaraang sinta

 

Diba ang sarap naman talaga mag isa

Hindi naman mawawala o mauubos ang

Isda sa karagatan kagaya ng sabi nila

Kaya bakit tayo mag mamadali diba?

Pero parang may kakaiba e

Hindi ko naman to gusto

At alam kong hindi mo rin to gusto

Kasi sa tuwing bumabanat ako

Ang sinasabi mo lagi sa akin “wag ako”

 

Umaamin ako na minsan nang bobola lang ako

Pero bakit sa tuwing kinikilig ka sa pambobolang yon

Parang mas kinikilig ako

Na parang totoong totoo

Na parang ako pa ata yung binobola mo

Sa tawa mo

Sa mahahabang kwento mo

Sa paghahanap mo saakin pag wala ako

 

Alam ko na sa tingin mo nagpapatawa lang ulit ako

Pero yung pakiramdam na

Yung parang minsang tayo

Kaso walang tayo

Kasi bawal

Kasi wag muna ngayon

Kasi nga diba dapat,

“Dapat di kita nakilala ngayon”

O di mo ko nakilala ngayon

Kasi nasisira yung plano e

Yung plano na

Wala muna sanang magulo

Kasi magulong magulo na yung mundo

Tapos mas mang gugulo pa yung salitang “tayo”

 

Kaya sige magtaguan na lang muna tayo ng nararamdaman

O ako nalang muna yung magtatago

Tutal parang seryoso ka naman talaga sa sinabi mo na

Wag ikaw

Kaya mag aantay nalang ako

Tutal alam ko naman talaga sa sarili ko na mag aantay ako

Hanggang sa sabihin mong

 

“Ako naman”

Eto na ko buong buo

Kumpleto

Handa na ulit mag mahal

At handa na ulit magpawasak basta handa ka na rin ayusin ako

Kung sakali man na hilingin ko sayo

 

At wala man kasiguraduhan na ako yung hinahanap mo

Susugal pa rin ako

At itataya ko ang lahat lahat kasi,

Kasi ikaw yung sugal kung saan handang handa akong paulit ulit na matalo

 

Ikaw yung sugal

At ako,

Kahit isang beses lang sana manalo.

nay

Nay, naalala mo pa ba?

Kung paano tayo nag lalaro sa ilalim ng kumot

Habang nag kikilitian noong ako ay bata pa?

 

Noong ang mga pangarap ko pa lang,

Ay ang makita ka sa pag gising sa umaga.

 

Mayakap sa pag dating ng gabi,

O di kaya naman ay ang sumiksik sa iyong kili-kili

Para makatulog sa tanghali.

 

Naalala mo ba yung mga kwento mo,

Na paulit-ulit kong pinapakwento?

Yung miryenda na walang sablay mong hinahanda

Pag dating ng alas kwatro.

 

Naalala mo ba nay?

 

Kasi ako ngayon ko lang ulit sila naalala.

Ngayon na naisip kong nagmadali pala ako na tumadanda,

Na nag madali pala ako sa buhay na dapat hinay-hinay lang

 

Kaya patawad nay.

Kung dahan-dahang nabwasan yung kwento ko sayo,

Sa tuwing tinatanong mo kung anong nangyari sa maghapon ko.

 

Kung kahit kailan hindi man lang kita natanong,

Kung anong nangyari buong linggo mo

Sa tuwing uuwi akon mula sa isang linggong pagtatrabaho.

Kung akala ko namimiss mo lang ako tuwing akinse o katapusan.

 

Nay nagkamali ako.

Kasi araw araw pala.

Pero sa ibang paraan na hindi ginagamitan ng salitang “anak miss kita”

 

Kasi itinatago mo sila sa mga pag-aalala na,

“anak wag kang masyado mag papagabi”

“anong gusto mong ulam pag uwi mo, ipagluluto kita”

“umuwi ka naman kahit isang beses lang sa isang buwan kasi hinahanap ka na ng mga kapatid mo”

 

Pero nay alam mo

Kung tatanungin ako ng Diyos kung anong pinaka gusto kong araw sa buhay ko,

Sasabihin ko sa kanya na,

Gusto ko yung pinaka unang alaala na meron ako.

Na unang beses ko palang nakikita yung lahat pero parang alam ko na agad,

Na kung nasaan man ako eto yung tahanan ko.

 

Naglakad ako palabas noon ng kwarto

Basa ang likod mula sa pawis ng pag tulog

Lumabas sa bahay at nakita kita na naglalaba

 

Tumigil ka sandali at ngumiti,

Tumayo lumapit saakin,

Kinarga at sinabing

“anak gising ka na pala”

 

At kahit parang unang beses palang kitang nakita,

Niyakap kita at muling pinikit ang aking mga mata.