dito lang ako sa tabi mo

 

karlen.jpg

 

Dito lang ako sa tabi mo

Habang ang mga mata mo’y nakapako

Sa sentro ng iyong mundo

 

Pinagmamasdan ka

Habang pinagmamasdan mo siya

At kung paanong wala ka nang nakikitang iba

 

Dito lang ako sa tabi mo

Habang ang mga mata mo’y nakapako

Sa sentro ng iyong mundo

 

Minamahal ka

Habang minamahal mo siya

At kung paanong baka wala ka nang mamahalin pang iba

 

Dito lang ako sa tabi mo

Sa lugar kung saan sapat na sa akin ang makita kang maligaya

Kahit na wala naman sayo

Kung mawala man ako sa tabi mo

Advertisements

Senyales ng mga taong takot sa multo

Senyales ng mga taong takot sa multo

 

Pang una

Nag pagupit ka ng maikli pero pagkagupit na pagkagupit nung baklang parlorista

Parang gusto mong magwala

Dahil dalawang taon mong inalagaan at minahal mapupunta lang sa wala

At umamin ka na kaya mo to nagawa

Kasi gusto mo rin masabi sa sarili mo na

Kaya mo rin mag bago at mag simula

Kagaya ng kanyang ginawa

Yun nga lang ginawa niya to habang kayo pa

At Iniisip mo na kasabay ng pag haba nito

Ay dahan dahan ka rin makakalimot

Pero hindi

Dahil nakita mo pa rin siya

Sa bawat sulok ng kwarto kung saan dati kayong masaya

Naalala mo kung papaano niya hinahaplos ang yong mga buhok

Na tinatadtad mo ng pabango para sa tuwing mag kikita kayo ang masasabi niya lang

“mahal bakit ang bango mo?”

Sabay kalabit at deretso sa kwarto

 

Pangalawa

Ang  mga taong takot sa multo malakas kumain

Ice cream, pizza, spaghetti, carbonara,

Lasagna, salad na puro gulay hindi naman masarap

Tapos ipopost sa facebook

Hindi para masabing marami silang pera

Kundi para masabing mo na kahit papaano masaya ako

Kahit papaano may nag papasaya saaken

At buti pa tong pag kain hindi ako inaayawan

Kahit dalawa na yung baba ko

Kahit malaki na yung tiyan ko

Kahit limang patong na yung bilbil ko

Kahit sumabog na lahat ng butones ng pantalon ko

Siguro saka ko na ulit poproblemahin ang katawan ko

Pag may nag sabi na saakin ng “mahal kita kahit hindi ka pa mag diyeta”

Yun mag sasabi sayo ng mahal kita

Di dahil sa maganda ka

Di dahil sa masarap ka

Di dahil sa malaki yung boobs mo

At di dahil sa malaki yung pwet mo

Kung di dahil mahal ka niya

At mahal ka lang talaga niya

Na wala siyang gustong makuha kagaya ng kinuha nila

Na mas gusto pa nga niya ang magyakapan lang at mag kwentuhan sa gabi

Hanggang mag umaga para mas makilala ka niya

 

Pangatlo

Ang mga taong takot sa multo mahilig mag inom at mag yosi

At kung ano anong bisyo pa ang meron pag may party

Inom dito suka doon

Hit hit dito buga doon

Para kahit konti makalimot

Para kahit konti mabawasan yung kirot

Para pag gising sa umaga

Mapapamura ka sa sakit ng ulo at hindi sa sakit ng puso

pero pag dating ng hapon

at isinisigaw nanaman ng punyeta mong puso yung pangalan niya

Iinom ka nanaman

Inom na naman dito suka nanaman doon

Hithit nanaman dito buga nanaman doon

Sa pangako na mawawala siya

Na baka may makilala kang iba

Kaya inom pa

Ilang araw nalang

Inom pa

Hanggang sa maging ilang lingo nalang

Hanggang sa maging ilang buwan nalang

Hanggang sa maging isang taon na

Ilang taon pa ba?

Hanggang sa isang araw magising ka nalang sa ospital

Nagpapagaling mula sa sakit sa baga o ng atay

At huimihiling na sana magamot din nila ang sakit ng yong puso

Pero wala sa ospital yung gamot mo

Kapiling siya ng ibang tao

 

Pang apat

Ang taong takot sa multo maiinitin ang ulo

halimbawa

“Putaninga”

“Sinong nag saing hilaw?”

Kahit nag iisa ka lang naman sa bahay niyo

“Punyeta”

“Sinong kumain nung vanilla ice cream ko sa ref?”

Tapos naalala mo naiwan mo pala sa lababo

Pag tingin mo nilalangam na

Parang yung nangyari sa inyo

Iniwanan mo lang saglit

Pag balik mo pinapapak na ng iba

Anong magagawa mo matamis daw siya

At hindi na masarap ang ice cream kapag tumagal na

 

Pang lima

Ang mga taong takot sa multo takot din mag mahal

Di dahil sa natatakot silang masaktan dahil handang handa pa rin silang masaktan

Kundi dahil sa kadahilanan na

Baka bumalik yung multong kinatatakutan nila

At sabihing “iwanan mo na siya mahal na ulit kita”

Dahil alam mo na lahat ng meron ka ngayon iiwan mo makasama lang ulit

Yung taong nagpaikot ng mundo mo

 

Pang anim

Ang mga taong takot sa multo

Saulado ang linya ni popoy at basha sa one more chance

At sa dami nga ng beses na napanood mo to

Siguro dapat a million chance na ang title nito

At alam ko na alam mong palihim kang umaasa

Na kagaya sa pelikula may pangalawang pag kakataon ang pag mamahalan niyo

 

Pang pito

Ang mga taong takot sa multo

Ay mga taong minahal at nag mahal

 

Pang walo

Ang mga taong takot sa multo

Pinangakuan ng habang buhay

 

Pang siyam

Ang mga taong takot sa multo

Niloko

 

pang sampo

Ang mga taong takot sa multo

Tinarantado

Ginago

Putangina

Hindi sapat ang lahat ng mura sa mundo

Para malaman mo kung gaano ako nasaktan

At patuloy na nasasaktan

Dahil wala ka ng pakialam kung mamatay man ako

dahil may bago ng nag bibigay ng buhay sayo

 

Kaya hayaan mo nalang sabihin ko ang totoo

 

Patawad

Dahil naipangako ko noon na isusulat kita hanggang sa kaya ko pang sumulat

Na mamahalin kita kahit di na uso ang mag mahal ng nagiisa

At patuloy akong hihinga hanggang sa sabihin mong tama na

 

Ang mga taong takot sa multo

Sumusulat ng tula kagaya nito

 

Ang mga taong takot sa multo

Ay ako

 

note

She left a note on the fridge

“I’ll come back tomorrow”

Then tomorrow came
But not her

I kept on waiting

Two years

And every single day
The moment I open my eyes
My thought was

Maybe today is the day

Until I got tired of waiting
I stopped holding on to her promises
That are already broken

And surely as time pass by

I forgot about the note

Until one day
It fell off the fridge
Like a hand waiving from a train

Then it hits me
Maybe what she really mean was
“Keep on living”

And somehow I did

Para sa aking mahal

Para sa una kong mahal, Segunda Katigbak
Naalala mo pa ba kung papaano ako
Nag nanakaw ng tingin sayo sinta?

Kung papaano ako parang pusang naiiihi
Na pabalik balik mula sala papunta sa kusina
Sa tuwing naiisip kita
Madalas pa nga akong pinagtatawanan ng mga kapatid ko noon
Pero wala akong pakialam dahil sa edad na disisyete
Sa tingin ko mahal na kita

Alam mo pilitin ko mang mas ibigin ka pa
Di ko rin nagawa pagkat ang puso moy hawak na ng iba

Mahal kong Orang
Marahil nasa iyo pa ang aking liham
Na mababasa sa pagkagat ng dilim
Gamit ang liwanag ng lampara
Maniwala ka sana
Na ang lahat ng letra at salita na nakasaad ay totoo
Na may puwang ka sa puso kong pinatigas ng pagkakalayo

O aking Leonor Rivera
Sa labing isang taon nating pagmamahalan
At pagpapalitan ng sumpaan na hinadlangan ng iyong butihing ina
Nais kong malaman mong walang isang gabi sa Europa ang lumipas
Na hindi ko ninais uwian ang lambot ng iyong mga labi
At kung papaano kita iginagapos sa yakap ng aking pagibig

Malungkot man na akoy iyong nakalimutan
Napiling sa iba ay sumama at lumisan
Gusto kong malaman mong wala akong pinagsisisihan
Sapagkat ang makilala ka o “Maria Clara” sa akin ay isang karangalan

Iniirog kong Consuelo Ortiga Y Reyes
Patawad kung napangunahan ako ng takot
Na muling umibig
Marahil hindi pa ako handang muling ialay
Ang aking pusong pagod na sa paulit ulit na latay
Ng lungkot at pighati ng posibilidad na pagkawalay

Patawad at salamat, sa pag hihintay hangang sa mag umaga
Noong unang beses tayong nagkasama
Hindi ko malilimot ang misteryo ng iyong pagkatao
At kung papaanong akoy muntik ng mahulog sa kadahilanang ito

O giliw ko, O Sei-San
Sa aking pag lisan sa bansang minahal at natutunan
Iuuwi ko ang isang bagay na di matutuklasan ng sino man
Ang magmahal ng totoo sa kabila ng magkaibang kinalakihan
At ang umuwi ng sa iyo ang “akoy” iiwanan

Aking sinta, Gertrude Beckett
Patawad mula sa mga sulat na hindi mo natangap
Sa mga pangakong hindi ko natupad
At sa pagibig na iyong inasahan na hindi ko na rin maiaalay

O aking Suzanne Jacoby
Ikaw ang bumuhay muli ng apoy sa dibdib kong nilamon
Ng kadiliman at sakit ng kahapon
Sa iyong yakap at halik
sa bawat tagong lugar na ating tinangkilik
mahal ko akoy iyong ibinalik
muli sa mundo kung saan ang unang titik
sa baybayin ay ang salitang pag ibig

Minamahal kong Nellie Boustead
Isa ka sa patunay kung gaano ko kayang ibuwis ang aking buhay
At kung papaano na sa larangan ng pagibig ay walang magkaibigan
Magkadugo man o mag kababayan

Aking pinakamamahal, Josephine Bracken
Saksi ang diyos sa kung papaano tayo ay naging isa
Hindi man hinayaan ng simbahan
Na tayo ay mag sumpaan
Nais kong malaman mong ikaw ang aking
Pinakamamahal, aking asawa
Masakit man na tayoy maagang naiwan ng ating
Munting Francisco
Alam ng buong mundo kung papaanong akoy nag luksa
Mula sa librong inialay ko sa iyo
Ikaw ang pinakamamahal ko at iuukit kita sa aking puso
Ang iyong ganda sa umaga at gabi ay aking ipipinta
At paulit ulit na ipipinta dahil kulang ang lahat ng kulay sa mundo
Para umabot man lang sa halina ng pagmamahal mo

O aking Pilipinas tadhana ang nagdala sa akin sa iyo
Sa pag ikot sa mundo nais kong malaman mo
Na wala akong ibang lupang hahalikan kung hindi ang sa iyo
Alam kong hindi sapat, ilang libong libro man ang aking isulat
Para magising ang mga anak mo at maibigay ang kalayaan mo
Kayat hayaan mong ibigay ko sa iyo ang pinakahuling bagay na maibibgay ko

Ikaw ang una at huli
Ang unang nakakita ng pag patak ng aking mga luha
At ang huling makakakita sa pinaka huling patak ng dugo ko sa lupa

Mahal na mahal kita
At wala na akong mamahalin pang iba
Adios, patria adorada

image