bagong taon

Habang papalapit na ang pasko papalapit na rin ang bagong taon

Kaya naalala ko bigla yung ginawa nating new years resolution

Isang ipit na ipit na papel na itinago ko sa ilalim ng aparador

Na hindi ko inakalang maalala ko pa

Dahil yung mga nakaraan di ko na din alam kung saan na napunta

 

Pag buklat ko sa nakatuping papel

Ay para ko na ring binuklat yung nakaraan natin

Yung araw kung saan magkatabi tayong nag sulat

Ng mga bagay na gusto nating baguhin

Ng mga bagay na gusto nating makuha

At ng mga bagay nag gusto nating panatilihin

 

“Tig sampo” ang sabi mo saaken

“Walo para sa gusto mong isulat

at dalawa para sa gusto ko na isulat mo”

 

naalala ko pa noon ang nakangiting pag sagot ko ng oo

halos tanda ko pa nga ang ganda ng suot mo

pulang bistida na may polka dots na bagay na bagay sayo

tinatawanan pa nga kita pero sabi mo

swerte ang polka dots sa unang araw ng bagong taon

 

kaya tumawa nalang ako at sa pagsusulat ay dumeretso

 

Pang una

kakain ako ng madami para kahit papaano naman manaba na ako

pangalawa

gigising ako ng maaga para di na malate sa skwela

pangatlo

di na ko maninigarilyo

pang apat

hinding hindi na ko mag dodota

pang lima

iiwasan ko na ang pag mumura

pang anim

mas mamahalin pa kita

pang pito

mag iipon ako para sa bahay na gusto mo

pang walo

mag iinom nalang ako sa tuwing may okasyon

at ang pang siyam at pang sampo na gusto mo na isinulat ko

ay ang ubusin ang lahat ng tigyawat sa muka

at ang hindi na kailan man magmamahal pa ng iba

 

nagulat ako na sa sampong bagay na isinulat ko

ang nagawa ko lang ay ang pang anim at pang sampo

ekis lahat at nakakahiya man

pwede ko pa naman silang idagdag sa mga susunod na taon

tapos na ko kaya binaligtad ko ang papel para makita naman yung sinulat mo

 

pang una

gigising ng maaga para di na rin malate sa skwela

pangalawa

sisimulan nang mag diyeta para kahit papaano ay sumeksi ka

pangatlo

mag sisimula ng mag ipon para makapunta ng ibat ibang bansa

pang apat

mas mag papaganda pa

pang lima

pipiliting makatapos ng may mataas na marka

pang anim

ang nakasulat “mas mamahalin pa kita”

pang pito

aaralin ang kamaynilaan at pasikot sikot nito

pang walo

iingatan ang kalusugan mo

at ang pang siyam at pang sampo na gusto ko na isinulat mo

ay ang pag tupad sa mga pangarap mo

at ang huli ay ang pagtupad sa pangako na mas mamahalin mo pa ako

 

nagulat ako na sa sampong bagay na isinulat mo

nagawa mo lahat bukod sa pang anim at pangsampo

na inakala kong matutupad mo

 

pero maling mali pala ako

 

tiniklop ko ang lumang papel at ibinalik sa ilalim ng aparador

umaasa na balang araw babalik ka at tutuparin mo ng kumpleto

ang newyears resolution na isinulat natin ng taong dalawang libo at sampo

 

 

 

Advertisements

3 thoughts on “bagong taon

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s