sabi nila

Sabi nila pag kinumpleto mo daw ang simbang gabi

Mula sa unang araw hanggang sa huli

Ay tutuparin ng Diyos ang isa sa iyong mga hiling

 

Kaya susubukan ko

Mula bukas hangang sa mag pasko

Pupuntahan ko lahat ng simbahan meron ang kaMaynilaan

Para masigurado na matutupad ng Diyos ang isa sa mga hiling ko

 

Dahil lahat na ata sinubukan ko

 

Nag punta na ko sa Siquijor para ipakulam ka

para kahit konti ay makita mo ko

 

Inubos ko na lahat ng gayuma sa Quiapo

para kahit konti ay mapansin mo ko

 

Gabi gabi ko ring dinadasalan yung 1×1 na picture mo

para kahit konti ay sumagi ako sa isip mo

 

at sa sobrang dami ng hibla ng buhok mo na naipon ko

sa tuwing hinihiram ko yung suklay mo

ay ilang bugkos na sila

na kung may pagkakataon man na makalbo ka

ay di ka na bibili ng peluka dahil pwedeng pwede na sila

 

sa totoo lang di ko na alam kung ano pang gagawin ko

at di ko na alam kung ano pang magagawa ko

pero lahat susubukan ko

dumating lang ang araw na masabi mong mahal mo rin ako

Advertisements

4 thoughts on “sabi nila

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s