Sayawan mo ako

Sayawan mo ako

na kagaya ng isang apoy sa ibabaw ng kandila

Sa saliw ng paborito nating kanta

Sa sikretong lugar na kung saan tayo lang dalawa ang mag kakilala

 

Lapitan mo ako ng dahan dahan

Habang iniisa isa ang pag pitas ng talulot

na nakabalot sa yong katawan

 

dumapa ka saakin kagaya ng pagdapa mo sa malawak na damuhan

at hayaan mong pag aralan kita

at tuklasin ang bawat kurba ng mala lampara mong katawan

 

hayaan mong gamitin ko ang aking mga labi

para dahan dahang iguhit sa pag itan ng iyong mga hita

ang pinakamagandang larawan nating dalawa

 

ipatikim mo saakin ang tamis at sarap ng iyong hinaharap

na may kalakip na pangako na sa harap ng dambana

ay sasagot ka ng mas matamis at mas masarap pang mga salita

 

hayaan mong sa ating pag pihit ay dalhin kita sa bawat sulok ng langit

kumapit ka sa aking likuran habang ibinabaon ang yong mga daliri

kasabay ng pagbaon ko ng pag mamahal ng paulit ulit

 

at habang namamahinga at nakatingala sa langit na may iisang bumbilya

ibulong mo saakin ang tatlong salita

na punong puno ng kasinungalingan na paulit ulit kong paniniwalaan

 

 

mahal, sa dami ng mali natin sa Diyos masasabi ko na ito ang pinakamalapit sa tama

at sa dami ng tanong ko sa Diyos masaya ako na isa sa sagot

ang babaeng nakikita ko na mas maganda pa sa paparating na umaga

Advertisements

3 thoughts on “Sayawan mo ako

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s