kasalanan mo to

Kasalanan mo to

 

Kung hindi mo lang sana ako nginitian

hindi sana ako ngingiti sayo

Kung hindi mo lang ako nilapitan

Hindi na sana ako lalapit sayo

Kung hindi mo lang sana ako tinanong ng pangalan

Hindi na sana ako mag papakilala sayo

 

Isang normal na gabi lang sana ang lahat

Isang normal na gabi ng pag inom at paninigarilyo

 

Pero

Ngumiti ka

Lumapit

At nag pakilala

 

Na para bang isang bagyo

Dala ang isang maamong pangalan

Na walang pakielam sa lahat masasalanta at madadaanan

 

Ang mali ko lang bukod sa hindi pagiging handa

Sana pala noong sinabi ko na ang pangalan ko sayo

Sinabi ko na din na

 

“Tangina mo aalagaan mo ko ah?”

 

Para doon palang nalaman ko na yung motibo mo

Para doon palang nalaman kona na kikilalanin mo lang din ako

Kagaya ng libo libong taong kinilala mo,

Na magiging isa pala ako sa kanila

Na pang aliw sa mga gabing wala yung iba

Na dadaanan mo lang din ako

Paiikutin at wawasakin sa lakas ng yakap mo

Tatangayin ang lahat ng pader na pinataas ko

At iiwanan nanginginig sa gabing masyadong malamig

Na di kayang painitin lang ng kumot at damit

 

Tangina isa kang bagyo

At walang bagyo ang maalam kumilala

mag alala

at maka alala

 

isa kang bagyo

At sa mga sinabi ko

Kagaya ng bahay na gawa sa yero

Ramdam mo na siguro na marupok ako

 

Kaya sinisisi kita

Sa bawat gabing hindi ako makatulog

At sa bawat araw na ang gusto ko lang maghapon ay matulog

 

Sinisisi kita

Mula noong gabing

 

Ngumiti ka

Lumapit

At nag pakilala

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s