Falling star

You are a falling star
as grand
as fast
falling for someone else

Advertisements

Baka sakali

Nakakahiya na sigarilyo pa pala ang papatay saaken

Kung alam lang nila na iniisp kita sa bawat hithit at buga edi sana nung bibigay na ang baga ko sayo nalang nila ako dinala

Baka sakaling hindi pa sa ilalim ng lupa kundi sa langit ako napunta

indio

Nakalimot ka na

Wag mong sabihing naaalala mo pa dahil alam kong nakalimot ka na

Wag kang mag alala dahil di kita sinisisi

Dahil di naman ikaw ang natabunan ng putik

Dahil di naman ikaw ang nawalan ng pangarap

Dahil di naman ikaw ang nawalan ng ama at ng ina

Dahil di naman ikaw ang dapat maka alala

Hindi ikaw ang kumain ng panis

Hindi ikaw ang ginagapangan ng mga ipis

Hindi ikaw ang nasugatan

hilom na ang mga sugat ko

pero punong puno pa din ng putik ang puso ko

at paulit ulit kong napapanaginipan ang kaganapan

ng mga araw na yon

na umangat ang impyerno

at ang langit ay nag tago

Nag mistulang circus noon ang trahedya sa tacloban

Lumabas sa ilalim ng lupa ang mga puta na may dalang sako ng bigas

Na may pangalan at may lihim na nais iparating na wag sana siyang kalimutan

Pag dating ng botohan

Tinangap ko kinain at tinae

Kagaya ng mangyayare sa boto ko

Na tinangap kinain at itinae

Sa bansa na kung saan ang ibinoto mo ang siyang mag lilibing sayo

Mas maigi pang ibenta ng limang daan ang katiting na tinta

sa loob ng bilog sabay lag lag sa makina kasama ng yong kaluluwa

malamnan lang ang iyong kumakalam na sikmura

Kung magsasalita lang ang pilipinas isa lang ang sasabihin niya

Gaano ako kaganda para paulit ulit niyong ipagahasa at gahasain

At kung tanungin ka niya kung ano ba ang nagawa mo bukod sa ang mag bayad ng buwis

Nag ginagawa din naman ng mga manloloko at mga dorobo may maisasagot ka ba?

May maisasagot ka kaya?

Wala ka pa nga atang punong naitanim

Ni hindi mo pa nga ata kayang isulat ng tama sa papel ang lupang hinirang

Wala ng rizal na mag papakamatay para sa bayan dahil puro na tayo kano

nakalimot ka na

nakamulat ka lang pero hindi ka nakakakita

nakakapag taka lang na ang mga lumang Pilipino pa pala

na nagkaisa at lumaban sa katiwalian ang tinawag na indio, mga tanga