Ayoko

ayokong kalimutan ka
ayokong malimutan kung papano mo ko pinatawa
ng labas ang lahat ng ipin at hindi na makahinga
dahil ikaw palang
o ikaw lang ang makakagawa

ayokong kalimutan ka
ayokong malimutan ang bawat yakap at halik
at sa bawat sandaling akoy nananabik
na makita ka makalipas ang isang lingo ng pag iisa

ayokong kalimutan ka
ayokong kalimutan ang yong mga mata
na nkakakita kung ano ako talaga
sa lahat ng mali ko na di mo itinama
dahil kagaya ng sabi mo
na mahal kita at wala ng iba pang mahalaga

ayokong kalimutan ka
ayokong kalimutan ang itsura mo pag nagagalit ka
at kung gaano ka kahirap amuin sa tuwing nagtatampo ka
dahil doon lubos na minahal kita

Mahal kita
Pero mali ka

hindi kita gustong kalimutan kagaya ng inaakala mo
di ko gustong itapon ang kahapon kagaya ng gusto mo
ayokong gumising isang umaga ng wala ng ala ala mo
kagaya ng hinihingi ng iba

dahil masakit man at namamatay man ako sa bawat sandali na naalala kita
at sa dami ng bagay at lugar na meron tayong ala ala
wala na kong maisip na puntahan na di kita maiisip
dahil noon pa kahit malayo ka at saan man ako pumunta naiisip kita

nasa isip kita
at matapang kong haharapin ang bukas ng di ka kasama
ayoko lang na kalimutan ka

————————————–
Listen to Ayoko by tom tom #np on #SoundCloud

Advertisements

One thought on “Ayoko

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s