Huwag mo na akong hanapin

Huwag mo akong hanapin sa ibang tao
dahil nag iisa lang ako

At itago mo man at wag labhan
ay wala ako sa panyo na ibinigay ko sayo nung tumutulo yung luha mo

Abangan mo man ako sa mga lugar na kinahihiligan kong puntahan kagaya nung puno na may duyan kung saan una kitang nasilayan
Ay hindi mo na ko makikita

Umiyak ka man ng umiyak hangang sa maubos mo ang lahat ng luha na kayang ilabas ng maganda mong mga mata ay di na ko darating para sabihin sayo na magiging maayos din ang lahat

Mapaos man ang boses mo sa kakasigaw ng pangalan ko ay hindi ka na maririnig ng mga tenga ko dahil matagal na silang nabingi sa katahimikan

At mapagod man ang mga paa mo sa kakalakad sa pag hahagilap kung saan ako napadpad
Ay di mo na ko maabutan kahit matuto ka pang lumipad

Kaya mahal wag mo na akong hanapin
Mahal na mahal kita kaya kaylangan kitang lisanin

Ipag paumanhin mo kung hindi na ko nakapag paalam o nakapag iwan ng madami pang masayang ala ala
O nag pasintabi manlang na biglaan kitang iiwan

Mahal patawarin mo ako
Di ko lang talaga kayang piliin ang sarili ko nung muntik muntikan ka ng masaksak nung lasing na mamang nag aamok pero buti nalang umabot akot nasalo ko at tumagos man sa buong katawan ko ang makalawang na balisong ay masaya ako dahil hangang sa huling hininga ko walang nakapanakit sayo bukod sa biglaang pag lisan ko

At isipin mo man na ako ay nasa paraiso na
Ay nagkakamali ka dahil matagal na akong nasa paraiso simula pa nung sinabi mong mahal na mahal kita

————————————–
Listen to Huwag mo na akong hanapin by tom tom #np on #SoundCloud

Advertisements

4 thoughts on “Huwag mo na akong hanapin

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s