Nakalimutan na kita

Nanaginip ako kagabi
Di ko sinasadya pero pumasok ka sa isip ko
Inisip ko buong maghapon kung bakit
Tapos naalala ko na isang taon na pala

Isang taon pala na kong mag isa
Isang taon na pala nung nagpasya ka
Na tapusin ang lahat kahit wala ka namang iba
Naisip ko na madamot ako
Noon Kasi hindi kita hinabol kahit alam kong gusto mo

Pero grabe isang taon na pala
At hindi ko inakala
Na ang isang araw na wala ka
Ay makakayanan ko pala

Kahit minsan muka akong tanga
Kasi isang araw nanuod kami ng sine nila ate
Hindi ko alam kung ano yung nakakatawa
Yung kalokohan bang ginagawa nung bida
O yung sabay sabay nila ate na pagtawa
Tas ako lang yung nakatanga

Kasi alam ko na kahit anung mangyare nasa isip kita
Para nga makalimot ilang bote ng alak ang aking itinumba
Pero Ikaw parin yung hinahanap hanap kong yelo sa umaga
Ikaw parin yung nawawala kong tono sa pyesa sa gitara

Ikaw parin yung liwanag ko sa gabi
yung magsasabi ng mahal kita
Gamit ang matapat mong mga mata
Yung yayakap sakin sa pagtulog sa gabi
Na humihigpit kahit sa reklamo ko na mainit na
Sabay sambit ng sana ganito nalanag tayo kasi masaya
Hindi perpekto hindi ko kaylangan ng perpekto kasi ikaw lang ay sapat na

Nakalimot na ko
Nakalimot na ko
Masasabi ko yon kasi kaya ko ng kumain mag isa
Kasi binasag ko na lahat ng pingan para di na ko magmukang tanga
Kasi noon kahit wala ka na pinaghahayin pa rin kita
Yung pingan kubyertos at baso laging dalawa
Dalwa din lagi yung kape sa umaga kasi baka maparaan ka
Pero kahit kelan hindi na kita nakita

Nakalimot na ko
Pero Tandang tanda ko pa nung huli tayong magkasama
Nagtatawanan tayo pero halatang hindi ka masaya
Mabilis mag init yung ulo mo kahit wala akong nagawang masama
Tapos pag tintanung kita kung ano sasabihin mo lang wala

Pero nakalimot na talaga ko
Masasabi ko yon
Kasi di ko na ulit binasa yung mga liham mo
Sinunog ko sila pero pilit kong inipon yung abo
Tumulo yung luha ko at di ko alam kung sa init ba to ng mga kamay ko
O dahil sa reyalidad na wala na yung patunay na sumaya ka sa piling ko?

Nung isang gabi nanaginip ako
Na kinasal ka na daw at akoy tuluyan ng nabigo
Gumising ako ng humahangos at hinahapo
Dahil naniwala ako kahit panaginip lang at di naman totoo

Kayat sino nga ba yung niloko ko
Kasi sa totoo lang ang nakalimutan ko lang eh yung kalimutan ka
Nakalimutan ko na kalimutan ka
Nakalimutan ko na makalimutan ka

Tandang tanda ko pa yung ngiti mo saken nung una tayong magkita
Yung tikwas ng buhok mo pag pasok mo sa room sa skwela
Yung mata mo na mapungay sa umaga kasi inaantok ka pa
At yung unang beses na napatawa kita

Yung tastas sa likod ng uniform mo kasi tumataba ka na
Yung mga iginuhit ko na komiks sa klase para pagkatapos
Sa skwela kahit pagod eh mapapatawa pa din kita
Lalong Tandang tanda ko pa at di ko na ata makakalimutan pa
Yung unang halik na binigay ko sayo
At yung unang gabi na magkasama tayo
Gusto kong malaman mo
na sa layo ng butuin sa langit ay di ko inakala
Na mabibigyan ako ng pagkakataon na Maabot ko yung isa
Na mahahawakan mayakap at mahahalikan ko pa
na mabibigyan ako ng prebilehiyo na mahalin mo at mahalin kita

Kaya kung nakikinig ka
O isang araw may magpapansin sayo
Kuhitin ka at iparinig to
Sana maramdaman mo na sa loob ng isang taon
Sa bawat araw na meron ang isang taon
Sa bawat oras ng araw ng isang taon
Sa bawat minuto sa loob ng isang oras sa isang araw sa isang taon
Sa bawat segundo na meron ang isang menuto sa loob ng isang oras sa buong araw sa isang taon
Ay hindi ka nawala sa isip ko
Na di ka dumapo sa panaginip ko
Na di mo ko ginsing sa katotohanan na nag iisa napala ako
Pero bago ko tapusin to
May gusto lang akong itanong sayo
Kasi handa naman akong maghintay eh
Pero may hinihintay pa ba ko?

Pakiusap wag mo nalang sagutin
Mag hihintay nalang ako. . .

————————————–

Advertisements

3 thoughts on “Nakalimutan na kita

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s