Panaginip

Minsan ayoko ng matulog
Kasi natatakot ako managinip at mahulog ng paulit ulit sa tuwing dumadalaw ka

Nakakatakot kasi sa panaginip ko masaya tayo na para bang meron pa ngang tayo
na parang
parang. .
ibang iba yung mundo ko

At di ko napapansin na nasa panaginip lang ako dahil sa sobrang ganda at sobrang tamis ng mga sinasabi mo
ay nalilinlang mo ko at nababaluktot mo yung katotohanan na matagal ng pumapatay sa kung ano man yung kaunting natitira sa pagkatao ko

Wala na tayo pero bakit kahit inalis ko na lahat ng makakapagpaalala sayo
kakampi mo pa din yung puso at isip ko

Hindi naman kita iniisip kasi hindi na nga kita gustong isipin
Pero hindi ko alam kung bakit ang kulit kulit mo

Paano kita makakalimutan kung
Bawat gising ko sa umaga mula sa panaginip na masaya kasama ka ay durog na durog ako

At para bang gusto ko na habang buhay ay managinip nalang
Managinip nalang

Ang bawat mulat sa umaga daw ay biyaya ng Diyos

At oo naniniwala ako
At nag papasalamat ako

Pero sa tuwing mumulat ako
kinukurot ko ang sarili ko at umaasa na sana nasa panaginip lang ako

At sana yung panaginip ko yung totoo . .

————————————–
Listen to Panaginip by tom tom #np on #SoundCloud

Advertisements

3 thoughts on “Panaginip

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s