Butas na puso

Sinubukan kong pumasok sa butas mong puso
Namangha ako agad sa pagkabusilak nito
Sa pagkamangha ko natakot ako
Kasi puro galos gas gas at halatang nanghihina na to
Kaya kinumpuni ko at madali kong tinapos

Di ko na tinanong kung sinong may gawa nito
Kasi alam ko na kung sino man tong tao na to
Iniwanan niya yung taong nagbigay buhay sa mundo ko
Yung taong kahit kelan di ko kayang saktan at bigyan ng sama ng loob

Masaya pala sa loob ng puso mo
Mainit yung pakiramdam kasi
Ako lang yung
Ako lang yung
Kasi Nasakin lang yung atensyon mo
Kasi para sakin ang mahalaga eh ikaw lang at ako

Sa pamamalagi ko sa puso mo
Naramdaman ko na unti unti mo na pala kong tinutulak palabas
Akala ko naman kaylangan mo lang ng bakasyon
O baka ng konting panahon
Para mag isip isip kung tama pa ba yung ginagawa mo
O kung mahal mo ba ako

Kaya pinagbigyan kita kahit masama yung loob ko
Pinagbigyan kita kahit alam kong Baka di naman totoo
Baka di naman totoo na mahal mo ko
Na baka naglolokohan nalang tayo

Nagulat ako nung pagbalik ko
May ibang tao na pala sa loob ng puso mo
Pero mas nagulat ako kasi panapasok mo ulit yung taong sumira nito
Pilit kong kinakatok yung puso mo
Nagmamakaawa at ilang araw nagbantay na baka sakaling Buksan mo ulit yung pinto

Pero nagkamali ako
Nagkamali ako sa pagasa na baka sirain niya ulit yung puso mo
Nagkamali ako sa pag asa na sana ako ulit yung kukumpuni nito

Di ko na ulit sinubukang pumasok sa puso mo
Tumalikod ako at dahan dahang naglakad palayo
Naisip ko
Papainumin mo ba ng gamot sa sipon yung taong my ubo
Ihehele mo ba hangang makatulog yung batang hindi naman sayo
Bubuhatin mo ba yung taong mas mabigat pa sayo
Ililigtas mo ba yung tao na baka ikamatay mo
Mamahalin mo ba yung taong di ka mamahalin kasi kahit kelan di ka niya kayang mahalin

Sa palagay ko di ako yung gamot sa sakit mo
Ako lang yung gamot nung lungkot yung nararamdaman mo
Pero yung permanenteng lunas sa sakit ng puso mo
Nasakanya paren pag magkasama kayo

May naramdaman akong pumasok sa butas na puso ko
Kinumpuni niya to at nagulat ako
Kasi alam na alam niya kung pano ayusin to
At pag bukas ng mga mata ko
Napatingin ako sa dibdib ko
Wala na pala yung puso ko
Nasa kamay niya na pala to
At napangiti ako
Sa sinabi niya na akin nalang to
At aking pinapangako
Na hindi na muling masasaktan ang puso mo
Doon at doon din
At parang sa pelikula
Natapos ang lahat ng sakit at pait
Nung hinalikan niya yung mga labi ko
At sinabi kong
Mahal kita at di lang puso ko ang ibibigay ko sayo

————————————–

Listen to Butas na puso by tom tom #np on #SoundCloud

Advertisements

One thought on “Butas na puso

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s