Habang tulog ka pa at ang mundo

Habang tulog ka pa at ang mundo
Habang ang lahat ng hirap ay panantaliang huminto
Habang pimagmamasdan ko ang labi at mga mata mo
Ay paulit ulit kong sinasambit ang patawad sayo

Patawad na kung bago ka matulog nag away muna tayo
Nadala lang to ng init ng ulo
Kasi mahal pag naglalaba di mo dapat pinagsasama yung puti sa de color
Di mo dapat pinagsasama kaya ayan nagkahawa hawa tuloy
Sino ba naman yung matutuwa
Na yung puting puti kong pangpasok sa trabaho ay naging kulay pula

Pero mahal mas patawarin mo ko
Kasi napipilitan kang maglaba di lang ng mga damit ko pati na yung sa kapitbahay natin
Para pag uwi ko galing sa trabaho meron na tayong bigas na  maisasaing

Nung isang araw nagkasugat sugat na yung kamay mo
pero nakangiti ka parin pagsalubong sakin
Sabi mo mahal nakapag padikit na ko ng apoy gamit lang yung uling
Tuwang tuwa ka at di mo inalintana yung sakit ng yong mga kamay

Yung maganda mong mga kamay na walang kakalyo kalyo
Kasi hindi naman ganito sa inyo
Yung uling sa inyo ginagamit lang pag mag iihaw na yung katulong
Yung kamay mo nasusugatan lang kapag nahiwa ka ng kutsilyo

Kaya mahal patawad

Patawad kung kagaya ng paglalalaba mo
pinagsama ng diyos
Yung puting puting pagkatao mo
At yung pulang pula sa hirap ng buhay ko

————————————–
Listen to Habang tulog ka pa at ang mundo by tom tom #np on #SoundCloud

Advertisements

6 thoughts on “Habang tulog ka pa at ang mundo

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s