Anghel

Bakit masarap itanong yung bagay na alam mo na yung sagot?
Bakit pag naitanong mo na gusto mo paring ulitin?
dahil ba baka sakaling maiyamot? At mabago yung sagot?
O gusto mo lang ulit ulitin niya kasi gustong gusto mo yung sagot?

Dalawa lang ang sagot nating mga lalake
Oo o hinde simple
Pero tatlo ang pinamimilian ng mga babae
Oo hinde at ang pinakamatinde

Bahala ka

Bahala ka

Eto yung sagot ng babae na para kang sinupalpal ng pader sa muka
Hindi posible pero eto yung literal na pakiramdam sa sagot na bahala ka
Di mo alam kung hindi na bahala ka o oo na bahala ka o bahala ka lang talaga
Bahala ka lang talaga kasi sa sobrang tigas ng muka mo e wala na siyang pakielam
Kasi alam niya na pag sumagot siya ng hinde eh wala ka na din namang pakielam
Kasi ikaw pa rin yung masusunod at mag papalusot
yung mag sisinungaling Para masunod at makalusot

Oo nag sinungaling ako
Di ko minsan sinasabi yung totoo
Pero sigurado ko na sinungaling ka at sinungaling din yung katabi mo
Kasi lahat tayo sinungaling
Pero ang kasinungalingan pag pinaulit ulit ulit mo
Hindi na yan kasinungalingan at isa ng katotohanan

sa lahat ng sinabi ko isinusumpa ko na eto lang yung alam kong totoo

Mahal kita

Dalwang salita na kapag sinagot niya ng mahal din kita
eh mapapatunayan ko na
may diyos sa langit dahil yung isa sa mga anghel niya
nasa harap ko na

Wala ng pakpak kasi matagal na niyang pinutol para maging mortal
Makasama ko lang
Wala ng balak bumalik sa langit dahil langit na ang pag gising sa umaga
Kapag tayo yung magkasama

Pero minsan nagtanung ako
tama ba na ang isang anghel sa langit ay magmahal ng kagaya ko?
Maswerte ba ko o malas ka lang na balang araw hahanapin mo yung pakpak mo
At lilipad ka palayo patungo sa pinangalingan mo

Hahanap ka ba ng isang angel na kagaya mo
O babalik ka pa saken na mahal ka pero tarantado
Tarantado na paulit ulit kang sinasaktan at tinutulak palayo
Tarantado na wlang alam sa buhay kundi magpakagago

Nasagot ko yung tanong ko kasi Dumating na nga yung araw na kinakakatakutan ko
Pag dating ko sa bahay bukas yung pinto ,
Tapos nakaempake na yung mga damit mo
Hinawakan kita sa kamay at pilit na inaamo

Tinanung kita

Mahal mo pa ba ko?

Bakit ba mahirap sagutin yung tanong ko na matagal ko ng alam yung sagot?
Sabi niya kasi paulit ulit na
Tinanong ko ulit siya
Sabi niya nakakasawa na
Tinanong ko ulit siya
Sabi niya kasi nasagot na niya yung tanong niya

Yung tanong niya sa sarili niya na
Masaya pa ba ko sayo
Kahit puro pasa at galos na ko
Masaya pa ba ko sayo
Kahit di na ko makauwi sa pamilya ko
Masaya pa ba ko sayo
Kahit puro mali na yung nakikita ko
At masaya pa ba ko sayo
Sapat pa ba yung pagmamahal ko

Oo Masaya ko pero hindi na ako yung nag papasaya sayo

Nung sinagot niya yon mas naniwala ako na may diyos
At naniniwala ako na may impyerno
At maniwala ka sakin walang apoy sa impyerno
Dahil hindi mainit yung pakiramdam
Malamig
sobrang lamig na kaylangan mo ng kasama pero nag iisa ka lang
Kung ako ang papipiliin mas gusto kong masunog nalang,

Mas gusto kong masunog nalang

————————————–
Listen to Anghel by tom tom #np on #SoundCloud

Advertisements

6 thoughts on “Anghel

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s