Tangina

Putangina
Para saken ang kabaligtaran ng mahal kita

Kaya

Putangina ng mga paborito mong kanta na naging paborito ko na dahil sa tuwing naririnig ko sila di kita maiwasang mamiss at di ko sila kayang tangalin sa playlist

Putangina ng jacket na bigay mo na hangang ngayon ay sinusuot ko pa kahit madami namang iba na bago at mas uso pa

Putang ina ng labi mong malambot na hangang ngayon ay hinahanap hanap ko pa kahit wala ng pag asang matikman ko pa

Putang ina kahit wala silang ina dahil puro gamit at ala ala lang naman sila

Wala lang akong maisip na mas sasama pa sa putang ina kaya putang ina lang talaga

At putang ina bakit kahit kinamumuhian ko lahat ng makakapag paalala saken tungkol sayo ay di ko pa din magawang magalit

Magalit sa litrato mong nakangiti sa facebook
Magalit sa bawat post mo na saulado ko na sa paulit ulit kong pag balik sa page mo
Magalit sa reply mo sa chat ko nung nalasing ako at nag drunk message sayo at sinabing kamusta ka na at kinamusta mo din naman ako

At puta kinilig ako na parang kakatapos lang umihi sa banyo

Tangina ayoko na

Ayoko na

Umalis ka na sa buhay ko pero nasayo pa din ang puso at isip ko

Na di ko naman kayang ipatangal dahil mamamatay ako

Siguro nga namatay talaga ko nung iniwan mo ko

Kaya pag pasensihan mo na ang pagmumura ko
Sinusubukan ko lang pagtakpan ang umaapaw pa din na pagmamahal ko sayo

Pero ayoko na talaga
Kaya tangina mo iniwanan mo ko

————————————–
Listen to Tangina by tom tom #np on #SoundCloud

Advertisements

6 thoughts on “Tangina

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s