Gusto ko

Gusto ko mag sulat
At gusto kong sumulat para sayo
Gusto kong gawing letra at pangungusap
Ang bawat galos at gas gas ng puso ko
Gusto ko silang buoin at pagsamasamahin
Kagaya ng pag asa ko na balang araw
Mabubuo muli yung puso ko

Kasi matagal na tong wasak
At alam ko na matagal na kasi
Alam ko din kung kelan to binuo hinubog at hinulma
Ng pag mamahalan nating dalawa

Ikaw yung bumuo pero ikaw din yung nag wasak
At wasak na wasak nga naman talaga
Yung sakit na walang lunas kundi ikaw lang talaga
Yung pait na inaantay yung tamis ng mga labi mo
para sumakto yung lasa
Para makumpleto yung umaga
Para di ako mawalan ng pag asa na pag tulog ko sa gabi
Ay may bukas pa

Pinilit kong ipinabuo to sa iba
kasi sinubukan ko na pero di ko kayang mag isa
Sinubukan naman nila pero pilit kitang
Hinahanap sa kanila
Kahit magkaibang mag kaiba
Kaya nung malapit na at sa wakas mabubuo na
Tumitigil sila
kasi alam nilang hindi kumpleto yung piyesa
Kahit pilitin nilang hanapin yung kaisa isa
Di nila makikita
Kasi nasayo at tinangay mo nung umalis ka

Gusto kong umawit
At gusto ko na makabuo ng kanta para sayo
Parang theme song ng bawat paborito mong pelikula
Na paulit ulit mong pinapatugtog hangang makabisa
At hinahanap hanap sa bawat oras na ikay nag iisa

Gusto ko na yung kanta ko yung tatakbo sa isip mo
Sa tuwing maaalala mo kung paano naging tayo
Kung pano nag simulang maging sayo yung buhay ko
At kung paano mo isinauli yung puso ko

Isang kanta na mag kukwento
Ng storya na hindi na kumpleto
Ng storya na wala sanang pagtatapos
Pero kagaya ng lahat ng bagay sa mundo napagod at natapos

Gusto kong mag mahal

Muli , at pangako na may hangganan man
Hindi ang aking pag mamahal
Kung sino ka man
Gusto kong iparating sayo
At kahit imposible
Ngayon palang nangakako na ko

May hangganan man hindi ang aking pagmamahal

————————————–

Listen to Gusto ko by tom tom #np on #SoundCloud

Advertisements

6 thoughts on “Gusto ko

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s