Paulit ulit

Listen to Paulit ulit by tom tom #np on #SoundCloud

————————————–

Sabi nila sa una lang masarap ang mag mahal
Kaya mahal para makontra natin to
ipinapangako ko na paulit ulit kitang mamahalin

Para kahit araw araw na kitang nakikita
eh parang nung unang beses pa din

Para kahit alam ko na ang tamis ng labi mo
ay parang langam pa din
na hinahanap hanap
na parang droga sa umaga tanghali at gabi

Para kahit saulado na ng kamay ko ang palad mo
ay magugulat pa din ako sa pag ka perpekto ng pagiging isa nito sa tuwing kinakapitan mo

Para kahit ritwal nalang ang pagsasabi natin ng mahal kita sa isat isa
Ay kikiligin pa rin ako sa tuwing babangitin mo ito habang nakatitig ka sa mga mata ko

At para kahit matanda na tayo
At nalipasan na ng lakas at panahon
Ay iisa pa din ang gusto kong gawin
Ang paulit ulit kitang mahalin

Mahal pangako mula ngayon
paulit ulit kitang mamahalin

Ipangako mo lang na paulit ulit mo din tatangapin

Advertisements

3 thoughts on “Paulit ulit

    1. Ikaw naman gumawa ng sobrang lungkot na tula tapos I record mo din! Tapos ako naman gagawa nung conversational na blog kagaya nung ginagawa mo

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s