Band aid

Listen to Band aid by tom tom #np on #SoundCloud

————————————–

Kung tatanungin kita kung pano mo tatangalin yung band aid sa sugat

Sasagutin mo ba na
Mabilisan para kahit sobrang sakit ay saglit lang

O pakonti konti lang dahan dahan
para masakit man
di mo masyadong ramdam
at darating yung araw na konting konti na lang
di mo na mararamdaman nawawala na pala pero matagalan

Kung ako yung tatanungin mo kung ano yung sagot siguro wala akong pipiliin sa dalawa

Siguro ang pipiliin ko yung ibababad ko nalang yung tuhod ko na may band aid sa tubig o yung siguro maliligo ako o mag swiswimming ako sa swiming pool ng matagal na aantayin ko nalang na maluom ng tubig yung bandaid na hindi ko na nga yata siguro mararamdaman kung naalis na ba siya na wala na kong mararamdaman

Pero tang ina kung ikukumpara mo yon sa kung papaano mo ko iniwan siguro yung dalawang pamimian lang yung iyong pag iisipan

Pero tang ina tangina talaga
Paano mo ihahambing yung pangatlong sagot o yung sagot ko sa kung papaano mo ko iniwan

Iniwan mo ko

Pero bago mo sana ko iniwan tinanung mo sana kung pano mo
O kung pano ko gustong maiwan

Pero sino nga bang niloko ko
Wala naman talagang pangatlong pamimilian

Wala naman talagang pangatlong pamimilian

At ang sakit sakit na
kung sino man yung hibang na nag imbento ng salitang band aid sa sugat kagaya ng pag iwan sa minamahal sa tingin ko napakahibang niya

Dahil yung pinaniwalaan ko na sakit ng pagtangal ng bandaid sa sugat kagaya ng kung papaano mo ko iniwan
Ay sobra sobra pala
Na parang yung tuhod ko na may sugat ay dinudukdok ng kutsilyo na konti nalang gusto ko na talagang ipatangal yung tuhod ko na kung pwede nga lang ibinigay ko na sana pala yung puso ko ibinato ko sayo para kung saan ka man mag punta kasama mo to

Pero mas hibang nga yata ako
Kasi yung tanong na dalwa lang dapat yung sagot hinanapan ko ng alternatibo
Siguro nga
Siguro nga hindi ko lang talaga matangap sa sarili ko na mag hilom man yung sugat sa tuhod ko

Sakit na sakit pa rin ako

Advertisements

11 thoughts on “Band aid

  1. “Pero bago mo sana ko iniwan tinanung mo sana kung pano mo
    O kung pano ko gustong maiwan”

    -Sana nga, sana nga pwedeng ganyan. Pero hindi eh. When we are hurt, we ask for things that are too impossible to happen. Things that don’t apply in reality.

    Like

    1. Pero sana nga bago sila mang iwan nuh? Pano kaya kung ganon . May matagal pa kayang malulungkot o mas mabilis na tayo makakalimot sa lungkot?

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s