Oo, hindi

image

Pagod na din ako
Pagod na sa pag iintay na misang mag kakatotoo ang ilusyon ko na mamahalin mo ulit ako

Na uuwi ka pa at ako yung unang pupuntahan mo na yayakapin mo at ibibigay ang halik na matagal ng inaasam ng mga labi ko

At sasabihin mo ang pitong salita na matagal ng di naririnig ng tenga ko na yayanig sa kaluluwa ko at manunuot sa puso at isip ko

Mahal kita at sayong sayo lang ako

pagod na pagod na ako pero patuloy padin akong maniniwala na may pangalawang pagkakataon ang pagmamahal, kagaya ng pangalawang testamento ng banal na libro kagaya ng langit matapos ang purgatoryo kagaya ng bahaghari matapos ang ulan at kagaya ng tagsibol matapos ang tag tuyot at tag lagas

Pagod na pagod na ako
sa gera ng pag ibig na kung saan ako na lang yung sundalo na patuloy pa ding umaasa
na mananalo kahit na ang laban ay matagal mo ng tinapos
Kahit na wala na kong armas at ang mga kamay ko ay tila nakagapos at naghahanap ng bagong simula o pagtatapos

Pagod na ko
Pagod na pagod na ako
Ayoko ng mabuhay sa kahapon kung saan ang oras ay di tumatakbo at nagbabago
Kung saan ang bawat pagkakataon na magkasama tayo ay patuloy paring nangyayari at nangangako ng masayang bukas na baka sakali ay meron tayo

Pagod na ako at gusto ko ng tapusin to para mabuhay na ulit ako para di nalang puro pighati ang laman ng mga tula ko para di ko na ulit kunyaring tatanungin ka sa panaginip kung may pag asa pa ba tayo

Kaya sa huling pagkakataon na sayo pa din ang buhay ko

At kung maaari lang sana mangako ka na sagutin lang ng oo o hindi ang tanong na lalabas sa bibig ko

Di ka man handa at magugulat sa maririnig mo
Pero gusto ko sanang malaman

Mahal na mahal kita at gusto ko sanang malaman

Aasa pa ba ako?

Listen to Oo, hindi by tom tom #np on #SoundCloud

Advertisements

10 thoughts on “Oo, hindi

  1. Boses mo ‘to? Wow, ang linis hahahaha. May studio ka noh 😀 Ayoko na i-play, babasahin ko na lang (parang intentionally nakakasakit haha)

    Like

      1. May napakinggan kasi ako sa kaklase ko; ganitong style din – hugot thru record. Idk kung sayo yun haha. But great records though.

        Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s