Masokistang isda

image

Ako pa din yung masokistang isda na hangang ngayon ay bihag mo
Bihag sa kalawit na wala manlang pain
Sa kalawit na hindi na matalim
Sa kalawit na sa sobrang tagal na nakabaon ay kinalawang na at dumikit na sa balat ko
Na kinilala na na parte ng katawan ko at kadugtong ng buhay ko
Sa pagkakabihag ay di na pumipiglas
Na komportable na sa sakit at kalunoslunos na sitwasyon
Sa di mo na pagbibigay ng atensyon
Kasi naisip mo ng maglaglag pa ng linya
At humuli na ng iba
Yung kakaiba
Yung iiwan ka mag isa
Yung pumipiglas at lumalaban pa
Yung papahirapan ka
At sasaktan ng paulit ulit pa
Yung pag nahuli mo bubusugin ka o maibebenta ng mas mahal pa
At inaaamin ko na kung ganito na yung gusto mo
Talong talo na ko
Kasi di ako kakaiba at walang maipag mamayabang na kung ano pa bukod sa ikaw lang at wala ng iba
Kasi kahit kelan di kita kayang iwan mag isa hangat wala ka pangnahuhuli at naiuuwing iba
Kasi di ko kaya na pumiglas at lumaban pa sa isinisigaw ng puso ko
At lalong di kita kayang pahirapan at saktan manlang
Paulit ulit pa kaya
Oo at ganito nga lang ako
At inaamin ko na talong talo na ko
At di ako nag rereklamo kasi masaya ako na nabihag mo
Pero mas masaya sana kung ako yung isda na iuuwi mo
Ako nalang sana yung isda
Ako nalang
Sana

Listen to Masokistang isda by tom tom #np on #SoundCloud

Advertisements

10 thoughts on “Masokistang isda

      1. Sabi ko na nga ba haha. Nanonood ako ng spoken word. Sana makita kitang magperform! 🙂

        Gusto kong i-try. Kaso lang di ako magaling sa pagsusulat ng tula at pagpeperform sa harap ng maraming tao 😛 Someday!

        Like

      2. Yes! 🙂 Pati foreign (sa youtube nga lang lol) Nakapanood na ako sa Sev’s. Mejo malayo nga lang. Saan–depende sa sked ko at kung may makakaladkad akong kasama haha.

        Like

  1. Salamat pala sa pagfollow sa aking blog (na wala masyadong lamang maganda, literature-wise)! Ang ganda ng mga tula mo. Kaabang-abang 🙂

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s