Sulat isinusulat isinulat

20150303_093418-01Habang tinitignan ko ang puting pahina na nang aakit at nag susumamo at tila nag sasabi ng “halika dumihan mo ako gamit ang tinta ng kung ano man yang panulat mo” ay di ako mapakale na tila batang pupunta ng unang beses sa parke at susubukan lahat ng pang aliw na meron ito.

Magkakamali madadapa babangon luluha tatawa magpapawis hahanap ng bagong kaibigan at magbabahagi ngkwento at karanasan

at heto na nga tayo sa seesaw ng buhay iniisp ko na ako yung nasa ibaba at ikaw yung lagi kong tinitingala, nagtatanong hangang kelan ako mag iintay sa yong pag baba o kung may pag asa ba na sana pareho nalang tayong nasa ibaba pero ito yung paborito mong laro at wala akong magagawa kundi ang umupo at umasa na balang araw masira at kalawangin din ang mga bakal na nag hihiwalay saatin at mahulog ka man mula sa itaas pangako na andito ako sa ibaba na sasalo sayo gaano man kataas ang ikababagsak mo.

Kaya hangang nasa itaas ka hangang nasa parke tayo at hangang marami pang puting pahina na kaylangan kong tintahan ay hindi ako mapapagod at patuloy kong gagawin ang dalawang bagay na bumubuo sa pagkatao ko

Ang mag hintay at magsulat ng pagmamahal ko para sayo

Advertisements

3 thoughts on “Sulat isinusulat isinulat

  1. galing ng isinulat mo…mahirap talaga magsulat sa tagalog lalo na kung ang program ng computer ay pang-English lang…pero pilitin pa rin natin maski magkandapilipit ang ating isip upang mayroon din tayong maibahagi sa iba na ikinahihiya ang sariling salita nati…thanks for the follow!

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s